happy thoughts and worthy causes

Halloween Stories 2020

Sunday at the Park: Paco Cemetery

Besides old churches and ancestral houses, mahilig din ako bumisita ng mga heritage sites like historical cemeteries. One time I was coming back from Malate, dumaan yng driver sa may Sta. Ana area pauwi. Napansin ko yng Paco Park which was a field trip destination nung bata pa kami.Sinabihan ko yng driver ko na dumaan muna kami at papasyalan ko itong lumang sementeryo na itinayo pa nung panahon ng Kastila. In fact, nilibing dun ang 3 pari ng GOMBURZA at pati si Rizal nung bagong execute pa lng. Nung nagkaroon ng cholera epidemic sa Manila, marami ring nilibing dun dahil hindi na kasya sa mga sementeryong mas malapit sa Intramuros.Katatapos lng ng last morning mass, so nag-alisan na ang mga nagsimba. Sinarado na rin yng chapel kng saan nagmimisa. Kaunting tao lng ang nasa loob ng Paco Park, yng bantay sa entrance fee booth, yng gwardiya na nasa may gate, at yng isa o dalwang hardinero o tiga-linis. Dalawa kaming pumasok ng driver ko, umikot sa ground area, sa mga lumang libingan na nadikit sa pader, picture 2x.Maganda ang view sa taas ng walls, mala-Intramuros, at Instagramable din. Naiwan na sa baba yng driver ko habang umakyat ako at sinundan yng paikot na walls. Naka-3/4 nako ng ikot, pabalik na sa may simbahan kng saan yng babaan nang may narinig akong footsteps sa likod ko. Tuloy ang lakad ko, pero parang may sumusunod sa akin, yng yabag ng paa e parang nage-echo na sapatos dun s cobblestones. Weird kasi paano mageecho Kung open air nga yng taas ng walls ng sementeryo.Tanghaling tapat yun, tirik din ang araw, nang bglang naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin sa likod ko. Tumayo ang buhok sa batok ko at balahibo sa arms. Binilisan ko ang lakad ko kasi parang may something sa likuran ko. Di ko kinayang tumingin, pero nagsalita ako sa isip ko at sinabi ng, ‘pasensya na po sa istorbo… Aalis nako.’ so Dali-Dali akong bumaba, pero nasa likod yung hagdan, so malayo-layo pa yng lalakarin papuntang gate palabas. This time wla ako naririnig na echo ng footsteps na sumusunod, pero parang may mga nakatingin mula sa taas, sa ibabaw ng walls. Hindi ko rin tiningnan, nakayuko na lng ako habang naglalakad.Pagdating ko s gate, nandun lahat ng tauhan ng park – yng teller ng tickets, yng guard, at yng 2 hardinero/tiga-linis. Nasilip ko din na naghihintay na sa may sasakyan yng driver ko. Ako lng talga ang galing sa loob ng Paco Park…walang ibang Tao sa loob.

Manila Hauntings

Besides London sa UK, isa yata kilala worldwide na most haunted cities ang Maynila. Kung tutuusin, understandable naman kasi nga sobra ang sinapit ng Pinas, Lalo na ang capital, nung panahon ng WW2. Kwento ng Daddy ko nuon, sumakay daw pamilya nya ng tren mula sa Tutuban, siksikan na mga tao, makatakas lng bago gawing “open city” ang Maynila. Meaning kasi baka maging “free-for-All” ang labanan ng Hapon at mga Amerikano, bahala na madamay ang civilians. At ganun na nga nangyari; kawawa ang mga naiwan sa siyudad. Kahit yng mga mayayaman na ayaw daw iwan mga malalaking Bahay nila sa Malate area. Pagkatapos kunin at patayin mga kalalakihan ng mga pamilya, gahasain mga kababaihan, susunugin pa daw mga Bahay. Meron pa daw iipunin silang lahat sa mga simbahan tapos, sisilaban yng simbahan pagkatapos silang ikulong dun. Pagpasok ng mga Amerikano, tuloy ang labanan at ayaw din talga sumuko ng mga Hapon. May mga naipit sa barilan at tinamaan ng sniper fire (isa nga dyan yng pamilya ng dating Pres. Quirino). Naging desperado ang mga Amerikano kaya wla na rin silang pakundangan sa pagbagsak ng mga bomba sa Maynila. Ubos ang mga gusali at kabahayan. Sabi nila, mula daw sa Quiapo church, across Pasig river, naging tanaw mo daw all the way to Manila Bay kasi “flattened” daw talga. Kung napunta kayo dun sa Intramuros dun sa may Memorial ng massacre of Manila, makikita nyo gaano karami talga ang mga namatay, including mga bata at sanggol.Kaya siguro hindi rin nakagugulat kng may mga kwento2x ang mga nakatira sa Maynila kht na mga bagong tayong Bahay na, at mataas na rin ang populasyon. Sabi nga ng Mama ko, kht nung nagaaral pa sila sa kolehiyo nung 50s, yng tinirhan nilang magpipinsan na apartment sa Sampaloc e may nagpaparamdam..May mga naririnig silang yabag at ingay kht wlang ibang tao sa Bahay na kasama nila. Itong pinsan ni Wifey, may Bahay din sa Balic-Balic…kwento ng katiwalang tiga-bantay, may nakikitang anino minsan sa hagdan. Minsan parang may naglalakad sa taas kahit wlang tao sa mga kwarto. Buti matapang si Manang kasi hindi madalas lumuwas sa Maynila ang mag-anak mula sa Cagayan.Eto naman friend ko, nakatira sa may Blumentritt malapit sa Espana. Luma na yng hilera ng mga kabahayan nila kasi mga early settlers after the war. May makikipot na daan at eskinita sa lugar nila. Kwento ng mga tiga-Brgy nila, sa dulo ng isang eskinita may nagpapakita daw na pari na pugot ang ulo. Kahit nailawan na ng bagong poste at hindi na gaanong madilim, may mga naglalarong bata daw na nakikita yng paring wlang ulo.Eto naman mga bagong dorms na paupahan lagpas ng UST malapit na sa Recto, may mga kwento din. May Kwento itong bunso namin nung nagre-review sila for the Board Exams. syempre puyatan blues.. lagi daw silang may naririnig sa kusina tuwing disoras ng gabi. Kalansing ng mga pinggan o baso. Minsan narinig nilang parang tunog ng kutsarita tumatama sa tasa at naglakas-loob ang isa sa kanilang silipin kng ano ba talga yun. Nakita daw nya isang tasa sa dining table at may isang kutsarita na parang naghahalo ng kape…umiikot itong magisa.

Manila Hauntings 2 (Kwento ni May)

Nkwento ko sa friend kong si May tungkol dito sa THSG na ito at yng latest kong entry abt Manila. Naalala nya tuloy yng experience nya nung tumira daw sila sa may Balic2x.Nangupahan daw sila dun ng partner nya nung nagbubuntis pa sya. So same description ng mga lumang bahay sa lugar, medyo malalaki kaya may space parentahan na extra rooms. Minsan daw gabi, nakaupo sya sa may lumang hagdanan nila. Tanaw daw nya yng bakuran ng tapat nilang bahay. May nakita syang malaking puting aso na akala nya alaga lng ng kapit-bahay nila. Nagulat daw sya nung bgla itong nagtransform at naging matandang babae, yng kapitbahay nila!Isang gabi naman, galing sa inuman itong anak na lalaki ng landlady nila. Isa syang malaking mama at medyo may katabaan pa. Medyo lasing at dun na sana matutulog sa sala, kaya binuksan nya yng bintana para may hangin. Eto yng mga malalaking capiz windows na sinauna, tapos may outer metal grills lng. Bgla daw tumambad sa kanya yng matandang babae n kalahati lng yng katawan, at may malalaking pakpak! Tumatama daw yng mga pakpak sa bintana, na parang sinasadyang gambalain sila kasi ang lakas ng tunog. Nagising nga sila lhat at nagsilabasan s kwarto. Nasalubong nilang patakbo sa loob papuntang mga kwarto yng anak ng landlady…nahimasmasan daw sa pagkalasing.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: